Dreamonyo

Nakatatakot ang panaginip ko kanina, may demonyo raw sa loob ng bahay.
Damang-dama ko ang presensya ng demonyo, sa sala malapit sa bintana. Malaki ang pangangatawan, maskulado tulad ng nakikita natin sa mga iginuhit na imahe nito, nanlilisik ang mga mata, matulis ang mga kuko. Nakakadiri.
Kaso, hindi ko siya nakikita, pero damang-dama ko. Malamang minanipula niya ang pag-iisip ko para makita ko siya sa imahinasyon ko.

Medyo madilim sa sala dahil mahina ang ilaw ko, pati ang chandelier na nakasabit dito iilang bombilya lang ang sumisindi, mukhang sinira na ng demonyo.

Akala ko ako lang ang nakararamdam nito. Isang araw habang nasa kusina ang asawa ko at nagliligpit biglang nasambit niya na may nararamdaman siyang ‘di maganda sa loob ng bahay. Alam ko agad ang tinukoy niya. Pagsambit niya ng mga katagang iyon ay nakita kong gumalaw ang gulok na nakasabit sa pader. Dali-dali kong hinugot iyon.

Pumunta ako sa sala kung saan nakatayo ang demonyo, sa pwestong ayon sa imahinasyon ko, at iwinasiwas ko ang gulok nang paulit-ulit. Inundayan ko rin ng suntok nang ilang beses, pero hangin lang ang tinatamaan ko.

The End.

“To see the devil in your dream signifies fear, limitations, and negative aspects of yourself. You may be harboring feelings of guilt. It is time to release these feelings. Alternatively, the devil represents intelligence, cunningness, deception, and cleverness.
To dream that you fight off the devil indicates that you will succeed in defeating your enemies.”
https://www.quora.com/What-does-it-mean-that-I-saw-and-foug…

devil

Advertisements

Prof. X

Design 9, thesis na, kailangan daw namin magbigay sa propesor ng walong proposal. Kung alin ang mapipili ng propesor na proposal ay ang siyang magiging thesis project namin. Dati-rati solo lang ang paggawa ng thesis, pero sa taong ito ay ginawang duo, si Jay ang nakapartner ko. Redevelpment of this and that municipal hall, redevelopment of this and that penitentiary, redevelopment of this and that public market, school, hospital, etc. Ang daling mag-isip ng mga gasgas na proposals, paulit-ulit lang din na makikita sa mga batch na nagdaan. Samakatuwid muntik na kaming nakabuo ng walo, kinulang lang ng isa. Swerte lang, nagkataon na pareho kaming may interes sa X-Games. Dahil dito ay nabuo namin ang ‘X-Games Complex’. Ito lang ang proposal namin na ‘di masyadong pormal, pandagdag lang para makapasa kami sa unang requirement. Dumating ang resulta ng pagpili ng proposals ng design adviser, ‘di inaasahan pero ang X-Games ang iginawad sa amin. Shocked at tuwa ang hatid syempre ng balita. Puyat lang ang nagpahirap sa buong proseso ng paggawa, bukod dito ay panay saya (dulot ng gin) na ang nangyari hanggang sa matapos ang proyekto. Salamat kay Mam.

Bigla ko lang naalala ito, ngayon ko lang kasi napagtanto ang marahil na naging dahilan ni Mam kaya ganun ang naging desisyon niya sa pagpili ng proposal namin. Malamang ay gusto niyang gawin namin kung ano talaga ang malapit sa puso namin, dahil sa paraang ito ay nakasisiguro siya na ibibigay namin ang lahat para maisakatuparan ang proyekto, at malamang gusto niya rin kaming mag-enjoy sa paggawa nito. Gusto niyang palabasin namin yung passion.

Kaugnay ito sa pagpili natin ng subject sa documentary photography. Pinaka-epektib tayo sa paghahatid ng totoo nating panig sa mga isyung malapit sa ating puso, inilalabas nito ang totoo nating saloobin. Ang passion ang nagpapalabas sa totoong karakter natin. Maganda na lunod tayo sa kalawakan ng mundo ng istoryang ihinahatid natin, naroon tayo mismo, pinili ng puso na suungin. Hindi sapat ang curiosity, dapat may personal na banat sa katauhan ng tigapagsalaysay.

Kalinya rin nito ang pagpili natin sa magiging istorya ng buhay natin. Walang iba kundi tayo lang ang direktor ng sarili nating istorya.Huwag mong kaligtaan ang passion, ito ang nagbibigay kulay sa lahat. Ito ang nagpapakatas ng juice mula sa utak, ito ang nangunguna sa paglikha ng kakaibang solusyon sa mga komplikadong suliranin, ito ang gagawa ng istoryang maganda na iiwan natin sa madla sa ating paglipas. Gumawa tayo ng makabuluhang istorya, yung nakapagbibiagy inspirasyon, yung may partisipasyon sa pagbabago tungo sa mas mabuti.

Umpisahan  mo na direk.

WorkAbroad.com

Habang naglalaro ako ng selpon sa kwarto, narinig ko yung drama sa tv sa labas, boses yata ni Piolo yun na nanginginig pa habang sinasambit ang mga katagang “Matutupad na ang pangarap kong makapagtrabaho sa Canada! Huhu! Salamat kuyaaa!”

‘Di ako makatango kung positibo ang hatid ng mindset na ito ng media at mga pelikula sa usaping pangingibang-bansa. Matupad daw ang pangarap na trabaho sa abroad. Pangarap pala. E sana mas tinaasan pa ang pangarap. Halimbawa, tumama sa lotto para instant milyunaryo! O kaya nama’y makapangasawa ng mayaman, ‘di bale na kung mabait o maganda. Pero seryoso, bakit ang itinutulak na pangarap para sundan at kamtin ay iyung may pinakamalaking sakripisyo? Ang malayo sa pamilya at mamuhay mag-isa. Ang makaranas ng diskriminasyon sa lupa ng iba. Ang mapagkamalan ng mga kaanak at kapitbahay na nagpapayaman ka at napakasarap ng buhay mo sa bansang mayaman.

Halos sampung taon ako sa labas. Dubai, China, Singapore kaya hindi ako tutol sa pagiging dayuhan. Ito ang ginamit ko para makapagsimula talaga tungo sa pagkamit ng totoo kong pangarap. Pangarap na subukin ang aking kakayahan na makamtan ang mga layunin ko sa sariling bansa kasama ang aking pamilya sa tulong ng kaunting naipon mula sa pagpapaalipin. Ang tanging tutol ko lang ay ang ipatanim ng media sa murang isipan ng mga batang propesyunal na ang tanging daan tungo sa pangarap ay walang iba kundi ang pag-alis. Siguro pati ang pangarap ng mga utak sa likod ng ideyang ito ay naglaho na rin, bumigay na, dahil sa kawalan ng pag-asang hatid ng gobyernong sana ay nangangalaga sa atin. Kaso nakasusuklam ang papel ng mga nakaupo sa buhay natin, nakawin ang bilyong buwis ng mga manggagawa, pati na ang dagdag pondong hatid ng dollar remittance ng mga bagong bayani ng bayang ito. Buset.

Oo na, sa bulok na gobyerno na naman ang bagsak ng usapang ito. Ayusin kasi ang pagboto. Ayusin natin ang mga sarili natin.

Pero kung nandito mga kumpare ko sa inuman, siguradong sa babae na naman ang ending ng usapan. Magsipagbago na kayo este tayo pala!

SG sa PH

Ang Singapore nagkaroon ng Lee Kuan Yew, ang Pilipinas pinagpasa-pasahan ng mga trapo.

Idolo ang bansang Singapore para sa mga Pinoy, sino ba naman ang hindi hahanga sa kaunlaran nito, nakakainggit din. Hindi ko kabisado ang istoryang politikal nito, pero ang yumaong si Lee Kuan Yew ang itinuturing na utak sa likod ng lahat ng tagumpay ng bansang ito.

Sabi ng ibang pinoy, bakit hindi natin magaya ang Singapore? Nasa atin na ang matatalinong tao para sa ideya, ang lahat ng resources, pero bakit hindi tayo makausad? May ibang bayan na sinusubukang gayahin ang ‘mukha’ ng Singapore sa pamamagitan ng paglalagay ng ‘make-up’ sa paligid, pero ang kaluluwa nanatiling yagit. Ang dami sa atin na kasing-utak si Lee Kuan Yew, pero marahil wala sa atin ang may katulad ng pagmamahal niya sa kaniyang bansa. Ang katotohanan, mas nagiging tanyag at popular pa ang pagmamahal sa sarili sa pamamagitan ng pagnanakaw sa bayan. Kakaumay na katotohanan, nakakahiya sa mga kapitbahay. Saan ka naman nakakita ng lider na sa kabila ng pagiging tanyag sa pangungurakot ay ikukumpara pa ang sarili kay Lee Kuan Yew. Sobrang nakakahiya, ang utak ko pilit na itinatakwil ang pahayag na ito ni kulapo.

Sa kasalukuyang estado ng bansang pinas, napakahirap ikumpara sa Singapore ang bilis ng pag-unlad nito, napakalaki kasi natin. Wala tayong ibang choice ngayon kundi ihanda ang mga kabataan para palitan ang kasalukuyan. Lahat ng kamatis sa kamalig ay bulok na talaga, pati lahat ng matitino na namamalagi sa loob ay mabubulok din. Kung hindi man mabulok, sapaw pa rin ng amoy ng karamihang bulok. Sa ngayon kumakain tayo ng bulok dahil walang pagpipilian, pero ayokong mamatay na amoy bulok. Itapon na natin ang mga bulok, pati mga buto nito ay huwag ng gamitin.

Magtatapos ako sa pasasalamat sa oportunidad na ibinibigay ng bansang Singapore sa kapwa nating mga pinoy, kasama na ako dun. Salamat sa tiwala ni Lee Kuan Yew, isa siya sa may pinakamalaking tiwala sa kakayahan ng mga pinoy. Hindi rin lingid sa kaniya ang problema ng bansa natin kaya tayo ay narito pa rin sa ganitong kalagayan. Ang hiling ko lang sa mga kapwa pinoy, ibalik natin ang kaalaman na natutunan natin. Maabilidad tayo at mapamaraan pero huli pa rin sa makabagong metodolohiya. Walang ibang gagawa nito kundi tayo.

RIP Lee Kuan Yew
1923-2015

 

LKY

Taking Off To Dreamland

Below is a very wide ricefield, looks never-ending. Ahead of me is a wall of gigantic trees like those in the movies. I almost hit its top but I made it to the other side. And then again another ricefield, but I can already sense home from a distance.

I’m sure you’ve been into a dream like that and you know how it feels like, scary and fun. But I don’t know if yours is like mine. When I first had it, though I can’t remember anymore when exactly it happened, I flew freely and effortless, like I just did it naturally. Like I was really doing it from the beginning of my existence. I’d aim high and rocket down, like making my own fear and having fun conquering it. I’d do risks intentionally because I knew I am able to handle them, and conquer them.

After that I had several of those flying sessions where I had trouble taking off. I bounced back and forth the ground, like a balloon that has lost its might. I was meant to do that but I lost my ability. It was very frustrating. I never gave up and continued trying, for several nights I felt like I’ve lost myself.

I was very unsure if I can do it ever again, until last night when I flew again. It wasn’t easy, I gave it a lot of effort to fly. I was flying low and boundless in the middle of a wide ricefield. Up ahead stood a very high wall of trees, with huge trunks and less branches and leaves. Each tree stood very close to each other, like they share the same roots. No way one can go through in between trunks, I thought it would be like hitting a real concrete wall if I would try, so I dared not to. I was at ‘cruise’ speed and  getting really close to the trees very fast when I decided to go up, fly pass above it is the way to go. I’ve already given so much to be able to maintain that level and speed, and now I even have to go higher to continue the journey, or I’d hit the wall hard and fall to my ending. I reached the edge! I hit it a bit but it didn’t stop me. The branches at the edge are no match against my power, they looked helpless as I hit and broke them. It was smooth conquering them.

After the wall of trees spread widely another ricefield, as wide as the other one I just left behind, but ahead I don’t see anymore walls. It took a while before I reached that point where I needed to land. From home, that point is where you enter the ricefield, to see and feel its wilderness. It is like a gate to warp to another zone. Now I’m entering it for that purpose.

Whatta sequel of flying dreams. I don’t know if it ended last night or there will be more. I believe that these dreams carry a message for me, and that they reflect my actual and conscious life, so I asked the internet.

I realized that all these are related to the plans I had in mind, and the acts I did in the past, but I am only able to realize everything when I decided to go ahead and pursue these plans. I kept them within for a while because I wasn’t sure. I was afraid of the consequences, because it is aimed directly to the innermost core of myself. It is definitely going to break me if I fail, or bring to me my dream kind of life if I win. It is a chance-of-a-lifetime decision to make. But I have decided not just to proceed with the plans, but to win them too. (“;)PSX_20150310_014719

Sg50

SG50

Deja vu, nangyari na ang tagpong ito, huli noong nagbus ako papunta sa airport. Unang trip ito ng bus sa umaga, 5:30. 98% ng sakay nito ay mga retirees na, malamang nasa edad 70. Pakiramdam ko napasama ako sa field trip nila, o kaya naman patungo lahat sa ospital para magpacheck-up. Pero hindi ganun, dahil lahat sila patungo sa trabaho sa airport. Pangkaraniwan na dito sa Singapore ang makakita ng mga lolo at lolang nagtatrabaho pa, bilang cleaners sa mga hawker centers o fastfood, ang iba nama’y nagpi-freelance sa paghahakot ng karton para ibebenta. Pero iba ang atmosphere dito sa loob ng bus, o ‘di lang kasi tayo sanay sa tagpong ganito.

Isa sa pinakamayamang nasyon ito sa buong South East Asia, at sa sobrang liit ng bansang ito ay kayang-kaya nitong suportahan ang mga matatanda, para magpakasarap na lang sila sa mga nalalabing sandali nila. Pero hindi ganun ang sistema. Paminsan-minsan namimigay naman sila dun sa mga talagang walang kakayanang pisikal para magtrabaho.

May tinatawag kaming CPF fund, dito iniimbak ng gobyerno ang 15% hanggang 20% na kaltas mula sa sweldo, pero mga lokal at mga permanent residents lang (tulad ko) ang apektado sa pribilehiyo/parusang ito. Pribilehiyo dahil pwersahang ipon ito ng empleyado para magamit sa kinabukasan, parusa naman kasi ang laking kabawasan sa naiuuwing sweldo buwan-buwan. Ito ay dinisenyo para sana maging pensyon ng matatanda, pero minsan hindi nila maiwasang magamit ito nang mas maaga. Kaya sa huli kailangan ulit nilang magtrabaho para may pangkain. Iba nga pala ang kultura dito, hindi masyadong uso ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa magulang. Minsan nga nagkakademandahan pa ang mag-inang magkasama sa iisang bahay dahil sa isyung pera. Sobrang stressful na pagtanda, hinding-hindi ko ito pinangarap.

Kaya naman hindi nakapagtataka na may mangilan-ngilang lokal ang pinipiling magretiro sa ibang bansa, katulad ng pinas. Bilib sila sa ugali ng mga pinoy na nakangiti pa rin sa kabila ng mga problema. Ang mga halakhak natin sa loob ng taksi, mas madalas natutuwa sila sa halip na maingayan. Masarap talagang tumanda sa bansa natin, hindi lang dahil sa sarili natin ito. Murang mamuhay, masayahin ang mga tao, sarap din ng pagkain. Kung may sapat ka pang pera para makabili ng ari-arian na pwedeng maging beach resort, mas panalo.

Kaya uwi na ‘ko, bye!

JID Was At Amoy St

It is my home for 2 years, I spend most of my time here than in my room. It is hardworking and sometimes boring, accommodating and spooky at night. Its carpet barely clean but gives comfort to my back. On its walls hang masterpieces and inspiration. The organized chaos of the library wages war and brings peace. Media room that cuts the border between us. The executive cubicles of good and bad news. The studio that realizes dreams.

“W.e.f. 1st March 2015, JID office will be relocated.”

BA01BA02BA03BA04BA05BA06BA07BA08BA09BA10BA11BA12BA13BA14BA15BA16BA17BA18BA19BA20

Suit Up

A title is like a suit, you wear it, so you can be identified.

The ‘photographer’ is a title I enjoyed calling myself and claiming to be, at least for a while. One who photographs is a photographer, is it really this simple? I thought it was, until I realized what I’m doing is not really doing anything, except for allowing me to kill time and think things over. Some sort of therapy I’d like to call it, regardless of the quality of images I make in exchange of time spent.

But to be honest, I was never confident being called as one by others, was never proud, because my photography does nothing to me but to serve as a therapy, that’s all, and perhaps nothing at all to people around me. In fairness, it helps me to be more observant and sensitive, but you see, benefit is still on me and not to others. Now you know, I do not need the title, unless it does something.

There are lots out there who deserve to wear it. They tell true stories, deliver current events, speak out opinions on matters affecting lives. What they do affect lives. They are factual fictions, because they tell truths that make us rethink the decisions we are about to make. They are researchers who carry with them discoveries in life patterns where we base our own life’s direction. They show us which corner of the street we must not be at because life is of no value there, just your wallet.

They are the photographers, their suit affects lives.

IMG_20150208_105930

Not in SG when I turn 50

Disclaimer: This article expresses my own opinion, and may be used to assess your own. Application of the same method in your own lives may cause harm.

After considering several personal and professional reasons, I have finally decided to leave Singapore for good.

It was a very easy decision to start a family here. I and my wife agreed to get married just a couple of weeks before the day we got married. Secured a ROM person authorized to solemnize and booked a table at a japanese restaurant. Just like that. Of course it wasn’t as easy as how I just said it, but I’m sure you knew what I mean. I screwed up, by missing the whole thing. It is normal for anybody, but not for somebody who grew up where the happiest wedding celebrations are held. That’s where I am supposed to be.

We were blessed with two pretty girls, both were born here in Singapore, they went to schools eventually. Regularly we’d go back to the Philippines so they could keep up with the relatives. In one of those homecomings I realized a thing, that my kids should come home for good. There is more to experience back home while growing up, experiences to help build a child’s life-skills. It is where the hard commute is a smooth ride, where you hear crimes is a safe environment, where a strong typhoon brings you a calm breeze. Growing up with all these around you makes you an unbeatable and undefeated. And by the way, as what I always tell to my friends, you can chase live chickens and geese there, cut grasses on your own backyard, and eat freshly picked world-class quality mango, all for free. That’s where my kids are supposed to be.

I am an Architect and proud to have been part of the most important projects built here in Singapore. It will always be rewarding to see the sketches I made for Universal Studios come to life. And to have been trusted a big role in the making of the first 6-star hotel is everything I’ll ever need on my portfolio. One of the best jobs if you will agree, as an employee. So, I decided to start to run my own mill, and back home is where to best do it, in terms of familiarity and access to everything I would need. Current market may not be promising, but what the hell, there was never a story of success of someone who gave up. And by the way, I am seriously considering to continue farming and livestock, these are what I used to do when I was a kid. Do you feel that fresh air? How about feasting on fresh prawns while earning almost the same salary? That’s what I am supposed to have for my retirement.

Am I doing the wrong move by leaving the right place? Let me get my coffee and sit under the mango tree in front of a wide rice field with the birds singing, and let me think about it.

Your Credit Is Good But We Need Cash

Stress.

Yan ang resulta kapag nagkasabay-sabay ang intindhin, mga problemang nag-aagawan sa atensyon mo. Lahat gustong maunang masolb, lahat naman kasi urgent at kailagan ng mabilisan at permanenteng solusyon. Minsan umuubra ang pansamantalang paraan, para maiahon lang at ‘di tuluyang lumubog, pero kapag ginamit sa sitwasyong ‘di angkop ay napagkakamalang pangmatagalan na, at nagiging maling kultura.

Sa pang-araw-araw na ekonomiks, nirerepresent yan ng sari-sari store. Tingi-tingi, hindi makabili ng bulto kaya sachet lang at plastic na mangilo muna. Eh bakit sa pub may shot-shot lang ang mga bigtime? Hindi rin ba sila makabili ng isang bote? Case to case basis talaga, pwidi piru dipindi.

O sya, ilalayo ko na sa usapang politika, baka ma-RA ako… Sige na nga isa pa.

Noon nasa pinas si Papa Kiko, nabalitaan nating lahat ang tungkol sa ‘field tip’ o ‘retreat’ ng mga batang lansangan. Lunod ang mga bata sa pansandaliang karangyaan. Alam din nila kung bakit naroon sila, sino naman ang tatanggi sa alok na yun. Sa pananaw ng gobyerno at mga bata, win-win solution na yan kasi pareho silang nagtagumpay. Ang problema, solusyong panglimang araw lang, iyan lang ang kakayanan ng gobyerno nating mabait. Hindi ko naman masabing iyan lang ang kakayanang pinansyal ng palasyo kasi ang daming kasongbilyong pisong  korupsyon ang lumulutang. Hindi ko rin masabing kulang sa kakayahang mag-isip ng solusyon kasi kahit anong higpit ng mga bantay e napapalusot pa rin iyang mga milyon pisong naburiki mula sa kaban. Haist. Nakakapagod pag-usapan. Gobyernong tingi-tingi at mangilo.

Kung ‘di kakayanin nang sabay-sabay, edi isa-isahin! May mga problemang ang solusyon ay nandyan lang sa mesa mo o sa computer o selpon mo, mga solusyon na ‘di mo kailangang patagalin. Maaaring nangagailangan lang ito ng sapat na lakas ng loob para maisagawa. At may mga solusyon din na mangangailangan din ng mahabang panahon para maisakatapuran, kaya kailangang umpisahan na ngayon.

Naalala ko bigla ang pangarap ng kaibigan ko kapag nagretiro na siya. Bibili raw siya ng pang-snipe, #alamna kung para saan. Dami sigurong likes nun. 😉